Lima (5) katao ang namatay sa unang buwan ng pagbabalik ng Philippine National Police o PNP sa giyera kontra droga
Batay ito sa tala ng PNP mula December 5, 2017 hanggang ngayong araw, January 4, 2018.
Sa panig naman ng mga awtoridad, 1 pulis ang patay habang 1 naman ang sugatan sa mga anti-drug operation.
Batay pa sa talaan ng pulisya, may naaaresto nang higit 1,000 drug personalities mula sa higit 700 operasyong kanilang ikinasa kontra droga.
Sampung drug personalities naman ang napasuko sa pagpapatuloy ng Oplan Tokhang.
Matatandaang inilipat ni Pangulong Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pangunguna sa giyera kontra droga matapos na masangkot ang mga pulis sa mga sunod-sunod na kontrobersya may kaugnayan sa mga operasyon kontra iligal na droga.
—-