Iginagalang ni dating Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Amaro III ang pagkakasibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Amaro, kailangan niyang lisanin sa lalong madaling panahon ang kaniyang puwesto at tanggapan, anuman ang naging dahilan ng Pangulo sa kanyang pasya.
Magugunitang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Huwebes, Enero 4, na kinailangang sibakin si Amaro dahil sa dalawangpo’t apat (24) nitong foreign trips simula noong 2016.
Mula sa nasabing bilang, tatlo (3) lamang sa mga biyaheng ito ang sponsored o sagot ng mga nag-imbita sa kay Amaro habang labing walo (18) sa mga ito ang ginastusan ng gobyerno.
Ayon kay Roque, dapat magsilbing babala sa iba pang opisyal ng pamahalaan ang sinapit ni Amaro.