Mas papadaliin na ang pagpasok ng mga drug addict o drug dependent sa rehabilitation facilities ng gobyerno.
Layon ng Senate Bill No. 1628 na ibasura ang requirement na kautusan mula pa sa Korte bago makapasok sa rehabilitation ang isang drug dependent.
Ayon kay Senador Tito Sotto, naghain ng nasabing panukala, napakatagal ng proseso na umiiral ngayon kaugnay dito.
Aniya, kinakailangan pa munang kumuha ng court order bago maipasok sa government run rehabilitation facilities ang mga drug dependent.
Ang court order na ito ay hinihintay mailabas ng ilang buwan o taon, samantalang anim (6) na buwan lamang ang kailangan nilang gugulin sa rehabilitasyon.
Giit pa ng senador, ngayong pinaigting ng pamahalaan ang kampanya kontra sa iligal na droga at libo-libo ang sumusuko dapat din sabayan ito ng progreso sa mga batas at proseso na kaugnay ng kanilang rehabilitasyon.