Hugas kamay ang Department of Justice o DOJ sa sinasabing kopya ng panukalang compromise agreement sa pagitan ng pamahalaan at pamilya Marcos na isinumite ng kilalang loyalista na si Atty. Oliver Lozano.
Ayon kay Aguirre, hindi pa nakakarating at hindi pa niya nakikita ang kopya ng nasabing compromise agreement.
Dagdag ni Aguirre, hindi rin sila maaaring umaksyon sa nasabing kasunduan hangga’t walang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t hindi pa naman aniya napag-uusapan sa mga cabinet meetings.
Gayunman sinabi ni Aguirre, oras na makakuha siya ng kopya ng nasabing compromise agreement, kanya itong babasahin dahil bahagi ito ng kanyang tungkulin.
—-