Muling nawalan ng tahanan ang ilang pamilya na biktima ng super bagyong Yolanda noong 2013 matapos masunog ang limang bunkhouses sa Barangay Campoyong, Guiuan, Eastern Samar.
Batay sa ulat ng Guiuan Fire Station, tumagal ng mahigit dalawang oras ang nasabing sunog bago ito naapula at masuwerte na lamang na walang nasugatan sa insidente.
Nabatid na sa mga bunkhouses pa rin nakatira ang mga nakaligtas na pamilya mula sa super bagyo at hindi pa sila nabibiyayaan ng permanenteng tahanan hanggang ngayon.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam na rin ang kabuuang pinsala sa nangyaring insidente.
—-