Hindi pamemersonal ang bansag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado bilang slow chamber o mabagal na kapulungan ng Kongreso.
Nilinaw ito ni Alvarez dahil ang ginagawa lamang aniya niya ang kaniyang trabaho bilang mambabatas.
Sinabi ni Alvarez na sila nga sa Kamara ay nag-oovertime pa para lamang maaprubahan ang mga panukalang batas.
Ayon pa kay Alvarez, dahil sa mabagal na takbo ng legislative work ng Senado, nagkaroon aniya siya ng higit na dahilan para isulong ang pag-amyenda sa Saligang Batas upang mapalitan na ang porma ng pamahalaan patungong federalism.
Tinukoy naman ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Johnny Pimentel ang panukalang death penalty na naipasa na nila sa ikatlo at huling pagbasa noon pang March 2017 subalit nakabinbin pa rin ngayon sa Senado.
—-