Hindi muna makakapaglaro si Terrence Romeo sa unang laban ng Gilas Pilipinas ngayong taon para sa ikalawang leg ng Asian Qualifiers ng FIBA.
Nabatid na ilang buwan munang magpapahinga si Romeo dahil kailangan muna niyang pagalingin ang kaniyang knee contusion injury.
Una rito, hindi nakasama si Romeo sa inilabas ni Coach Chot Reyes na listahan ng mga bubuo sa Gilas Pilipinas na magsisimulang mag-training sa Lunes.
Tutulak pa Melbourne, Australia ang Gilas Pilipinas para harapin ang Australia sa Margaret Court Arena sa February 22 at babalik ng bansa para labanan ang tropa ng Japan sa February 25.
—-