Sinunspinde ng Amerika ang halos 900 milyong dolyar na security assistance nito sa Pakistan.
Ayon sa US State Department, ito ay habang hindi pa rin kumikilos ang Pakistan sa kanilang laban sa Afghan Taliban, Haqqani Network at iba pang mga militanteng grupo.
Pagpapakita anila ito ng pagkadismaya ng administrasyong Trump sa tila pananahimik ng Pakistan sa panibagong pag-atake ng naturang mga grupo laban sa tropa ng Amerika na nasa Afghanistan.
—-