Pinagpaplanuhan na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang pagtatayo ng 250,000 wi-fi access points sa buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ayon kay DICT officer-in-charge Eliseo Rio, pasisimulan na nila ngayong buwan ang bidding process para sa kanilang initial target na anim na libo hanggang pitong libong wi-fi access points sa bansa.
Base aniya sa Republic Act 10929, responsibilidad ng DICT na pairalin ang paglalagay ng mga free wi-fi sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas.
Pahayag ni Rio, itatayo ang access points sa mga munisipyo, public schools, kapitolyo, mga ospital at mga state owned universities and colleges sa bansa.