Sumakabilang buhay na ang beteranong kolumnista at publisher ng diyaryong Malaya Business Insight na si Amadeo ‘Jake’ Macasaet sa edad na 81.
Batay sa Facebook post ng asawang si Karen Macasaet, sinabi nito na mapayapang binawian ng buhay ang asawa kasama ang kanyang pamilya.
Si Macasaet ay kilalang kritiko ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sinampahan din siya ng kasong libelo ng dating First Gentleman Mike Arroyo na ibinasura din agad ng Korte.
Maliban sa pagiging pinuno ng Malaya, si Macasaet ay Chairman Emeritus ng newspaper association na Philippine Press Institute.
Ang mga labi ng kolumnista ay nakaburol ngayon sa Heritage Park sa Fort Bonifacio.
Inaantabayanan pa ang anunsyo ng pamilya Macasaet kung kalian ito maaaring bisitahin ng mga kaibigan.