Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa isang magsasaka sa Barangay Papaya sa bayan ng General Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija.
Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Benito Pereña nang pagbabarilin ng sumusunod sa kaniyang naka-motorsiklong suspek sa san Antonio-Zaragosa Road sa naturang lugar.
Pauwi na sana ang biktima nang umatake ang suspek kung saan, nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa kaniyang katawan na naging sanhi ng agad nitong kamatayan.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng General Tinio PNP ang pagkakakilanlan ng suspek habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.
—-