Maghahain ang Public Attorney’s Office o PAO ng mga kasong kriminal, sibil at administratibo sa Pebrero kaugnay sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine na dengvaxia.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, halos tatlongdaang (300) pamilya ng mga batang binakunahan ang nagpahayag ng kahandaang maghain ng kaso.
Bagaman hindi tinukoy kung sino ang mga sasampahan ng kaso, ipinahiwatig ni Acosta na mapapabilang sa kanilang mga kakasuhan ang mga responsable sa implementasyon ng immunization program.
Kumpiyansa naman si Acosta na malakas ang mga ebidensyang kanilang ipipresenta lalo’t una nang nagbabala ang dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur sa posibleng epekto ng naturang bakuna sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.