Naatasang sumulat ng desisyon kaugnay sa petisyon ng mga magulang ng mga batang tinurukan ng dengue vaccine na dengvaxia si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Alinsunod sa isinagawang raffle, napunta kay Leonen na isa sa mga supporter ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kaso.
Inaasahan namang makapagpapalabas ng anumang aksyon ang mahistrado sa naturang petisyon sa mga nakatakdang En Banc Session ngayong bagong taon.
Maguguntiang apatnapo’t dalawang (42) pahinang petisyon ng pitongpung (70) magulang at grupong Gabriela Women’s Party ang humiling sa Supreme Court (SC) na obligahin nito ang pamahalaan na magkaloob ng libreng konsultasyon at medical service para sa mga batang binakunahan.
Kabilang sa respodents sa petisyon ng grupo sina Health Secretary Francisco Duque, Education Secretary Leonor Briones at Interior and Local Government OIC Catalino Cuy.