Inaasahang patuloy pang tataas ang presyo ng bigas sa bansa kasunod ng inaasahang pagtaas din sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng epekto ng ipinasang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng administrasyong Duterte na nilagdaan bago matapos ang taong 2017.
Gayunman, sinabi ng National Food Authority o NFA na hindi dapat tumaas ang presyo ng bigas dahil sa walang kakapusan sa suplay nito.
Subalit inamin ng NFA na maaaring maapektuhan ng TRAIN Law ang presyo ng commercial rice dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na siyang kinakailangan para maibiyahe ito sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dahil dito, sinabi ng NFA na daragdagan nila ang suplay ng NFA rice upang mabalanse ang presyuhan ng bigas mula sa mga commercial rice dealers sa pamilihan.
—-