Tiniyak ni US President Donald Trump na kanyang tatalunin sa eleksyon sa 2020 si Oprah Winfrey.
Ito ay kasunod paghimok kay Winfrey na tumakbo sa pagkapangulo ng Estados Unidos matapos ang kanyang malaman na speech sa katatapos lamang ng Golden Globe Awards kung saan siya ay ginawaran ng Cecille Demille Award.
Ayon kay Trump, tiyak na magiging masaya kung makakalaban niya sa eleksyon ang nirerespetong si Winfrey.
Gayunman, iginiit ni Trump na kilala niya si Oprah at naniniwala itong hindi naman nag-aambisyong maging Pangulo ang respetadong talk show host at producer.
—-