Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency O PDEA na binigyan nila ng ‘special treatment’ ang aktor na si Mark Anthony Fernandez habang nasa kanilang pangangalaga makaraang mahulihan ng isang kilo ng marijuana.
Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, sandaling panahon lamang ang inilagi sa kanilang kustodiya ni Fernandez dahil inilipat ito sa provincial jail.
Mga pulis at hindi aniya PDEA agents ang nakahuli kay Mark Anthony sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre taong 2016.
Si Aquino ang direktor ng police Regional Office-3 nang madakip ang aktor.
Nito lamang Disyembre ay nakalaya si Mark Anthony matapos ibasura ang kaso laban sa kanya.