Pumalo na sa isangdaan at limangpo’t walong (158) pulis ang sinibak sa serbisyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong nakaraang taon.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, pawang nahaharap sa paglabag ng mga kasong kidnapping, extortion, awol at iba pa ang mga nasabing pulis.
Aniya, ‘Superintendent’ ang pinakamataas na ranggo ng pulis na nasibak.
Nilinaw naman ni Albayalde na walang miyembro ng NCRPO ang kasama sa mahigit animnapung (60) pulis na ipinasisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pinasisibak na mga pulis ang Pangulo ngayong unang linggo ng Enero.
Gayunman, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa hindi basta-basta maaaring makapagsibak ng pulis at kailangang idaan sa due process para siguradong hindi na makababalik pa sa serbisyo ang mga ito.