Tiniyak ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Francis Pangilinan na masusing dadaan sa isang transparent na proseso ang kanilang gagawing pagtalakay para sa panukalang amendments sa 1987 Constitution.
Ayon kay Pangilinan, nakatakdang muling buksan ng Senado ang pagdinig sa pag-amyenda ng saligang batas sa susunod na linggo, Enero 17.
Aniya, tatlong (3) partikular na panukalang batas hinggil dito ang kanilang tatalakayin, kabilang dito ang mga akda nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Richard Gordon at Migz Zubiri.
Dagdag ni Pangilinan, kabilang sa kanilang tatalakayin ay kung sa pamamagitan constituent assembly (Con-ass) o constitutional convention (Con-con) gagawin ang charter change (Cha-cha) at kung ang botohan ay jointly o separately.
Kabilang naman sa mga inimbitahan ng Senado para hingan ng pahayag ang mga miyembro ng academe, business at labor sector, civil society at iba pang mga stakeholders.