Nanindigan si Supreme Court (CA) Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi siya haharap sa pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw.
Ito’y makaraang tanggihan ni Carpio ang imbitasyon sa kanya ni house Justice Committee Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali kaugnay sa isinampang impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Inaasahang magpapadala ng liham si Carpio sa pagdinig kung saan ipaliliwanag niya ang dahilan ng kanyang pagtanggi sa imbitasyon ng Kamara para tumestigo laban sa Punong Mahistrado.
Magugunitang nagpahayag ng kahandaan si Carpio na humarap sa pagdinig ng Kamara subalit hiniling nito sa komite na linawin ang mga usaping dapat niyang ihayag batay sa reklamong inihain ni Atty. Lorenzo Gadon.