Puspusan na ang paghahanda ni dating 4-Division Boxing Champion Nonito Donaire Jr. para sa laban nito kontra sa Irish boxer na si Carl Frampton sa darating na Abril.
Ayon sa The Filipino Flash, nasasabik na siyang muling sumampa sa ring at makaharap si Frampton na personal na pumili sa kanya para makalaban.
Sinabi ni Donaire na malaking hamon sa kanya ang naturang laban lalo’t gagawin ito sa balwarte ni Frampton sa Belfast, Northern Ireland.
—-