Nanindigan si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan na walang mali sa kanyang mga foreign travel sa gitna ng batikos na labis-labis ang mga nasabing biyahe.
Ayon kay Licuanan, hindi kalabisan ang kanyang pagbiyahe na inabot ng walong beses noong isang taon kung saan lima sa mga ito ang ginastusan ng gobyerno.
Sa katunayan ay nagbukas ng mas maraming oportunidad ang kanyang mga foreign trip upang pagandahin ang kalidad ng higher education sa bansa.
Anuman anyang biyahe ng mga CHED official partikular ang chairperson ay dapat unawain sa aspeto ng edukasyon lalo’t kailangang makipagsabayan sa ibang bansa ang Pilipinas upang mapanatili nito ang reputasyon bilang sentro ng higher education sa timog-silangang Asya.