Hindi na mahagilap ang mga dokumentong mahalaga sa imbestigasyon sa sunog sa NCCC Mall sa Davao City kung saan tatlumpu’t walo ang nasawi.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Davao Spokesperson Fire Senior Supt. JERRY Candido, inamin ni Fire Supt. Emilio Langkay, City Fire Marshall ng Davao na nawawala ang mga dokumento simula noong 2003 hanggang 2013.
Dahil dito, dismayado ang inter-agency anti-arson task force na nangunguna sa imbestigasyon.
Gayunman, inihayag ni Senior Fire Officer 2 Ramil Gillado, deputy chief for intelligence and investigation na nabasá ang mga dokumento.
Samantala, mahaharap naman sa kasong obstruction of justice at infidelity in the custody of documents ang city fire marshall kung hindi ito tutulong sa imbestigasyon habang inaalam na kung sino ang records custodian nang mawala ang mga dokumento.