Inaprubahan na ng Philippine Competition Commission ang acquisition ng Landbank of the Philippines sa Postal Savings Bank na magsisilbing bangko para sa mga Overseas Filipino Worker.
Alinsunod ito sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na i-ko-convert bilang financial institution para Filipino migrant workers ang P.S.B.
Ayon sa P.C.C., mananatili naman ang kompetisyon mula sa iba pang market participant kahit inaquire ng Landbank ang P.S.B. kaya’t nirerespeto nila ang naging transaksyon ng dalawang bangko.
Setyembre nang maglabas ang Pangulo ng Executive Order 44 na nag-uutos sa paglikha ng isang special bank para sa mga OFW.