Nabunyag ang bigong paglabas sa Pilipinas ng Chinese Businessman na si Chen Ju Long na mas kilala bilang si Richard Chen at Richard Tan
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre nang ibunyag nito ang tangkang panunuhol ni Chen sa isang tauhan ng Bureau of Immigration sa pamamagitan ng isa pang immigration personnel na nasa AWOL status
Subalit hindi nagpasilaw sa salapi ang naturang senior immigration officer ayon sa kalihim at sa halip aniya’y hinarang si Chen maging ang dating kabaro na sangkot sa naturang panunuhol
Magugunitang si Chen ang nagmamay-ari ng warehouse o bodegang pinagtaguan ng mahigit animnaraang kilo ng puslit na shabu sa Valenzuela City nuong Mayo 2017 na nagkakahalaga ng anim punto apat na bilyong Piso