Kasalukuyan nang nasa regular na piitan sa Provincial Detention and Rehabilitation Center sa Cebu si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ng Korte Suprema na ilipat ng kulungan si Boniel mula sa Talbon District Jail sa Bohol noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Ayon sa abogado ni Boniel na si Atty. Gerardo Carillo, ala-1:00 kahapon ng hapon nang dumating si Niño sa Pier 3, Cebu City at sinamahan ito ng mga jail officers mula sa Talibon District Jail.
Magugunitang sinampahan ng kasong murder si Niño bunsod ng umano’y pagpatay nito sa kanyang asawa na si Bien Unido Mayor Gisela Boniel na nawawala pa rin sa ngayon at pinaniniwalaang patay na.
—-