Patuloy na mauungusan ng Pilipinas ang mga karatig bansa nito sa Timog Silangang Asya sa larangan ng ekonomiya hanggang sa taong 2020.
Ito ang lumabas sa ulat ng Global Economic Prospects ng World Bank sa kabila na rin ng inaasahang kawalang paggalaw sa aspeto ng pamumuhunan.
Ayon sa World Bank, inaasahang papalo sa 6.7 percent ang magiging Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas ngayong taon bago ito bumaba sa projection na 6.5 percent sa taong 2020.
Dahil dito, sinabi ng World Bank na mapapanatili ng Pilipinas ang estado nito na fastest growing economy sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
—-