Ginagawa lamang ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño ang kanyang trabaho.
Ito ang depensa ng Malacañang sa ipinalabas na utos ni Diño sa mga barangay officials na magsumite ng listahan ng mga hinihinalang drug pusher at kriminal sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang dapat ipangamba ang publiko dahil ang utos ay isumite lamang ang mga pangalan ng mga hinihinalang drug suspect.
Pagtitiyak pa ni Roque, isasailalim pa sa imbestigasyon at beripikasyon ang mga pangalan sa listahang ibibigay ng mga opisyal ng barangay sa tanggapn ni Diño.
Dagdag ni Roque, dapat bigyan muna nang pagkakataon ng publiko ang Department of Interior and Local Government na gampanan ang mandato nito.
—-