Kokonsultahin pa ng Malacañang si Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino hinggil sa pagbabalik ng kontrobersyal na Oplan Tokhang ng Philippine National Police o PNP.
Kasunod ito ng pahayag ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde na hindi na magiging madugo ang pagbabalik ng PNP sa anti-drug war.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t ibinalik na sa kampanya kontra droga ng pamahalaan ang PNP, mananatili pa ring lead agency dito ang PDEA alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang inihayag ng PNP na nakahanda na sila sa kanilang pagbabalik sa war on drugs ngayong buwan.
—-