Inilikas ang mahigit sa 30,000 pamilya sa Camarines Sur dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulang dala ng umiiral na tail-end of a cold front.
Ayon sa Camarines Sur PDRRMC o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa mahigit isandaang barangay mula sa 24 na bayan ang apektado ng pagbaha sa lugar.
Kasunod nito, ini-ulat din ng PDRRMC na may naitalang landslide sa anim na barangay ng Lagonoy, San Jose, Caramoan at Presentacion.
Habang may limang mangingisda ang pinaghahanap ng coast guard makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Tinambac at Caramoan.