Ipinagbunyi ng North Korea ang pagbabalik ng usapang pang-kapayapaan patungo sa inaasam na “re-unification” ng Nokor at South Korea.
Ayon sa North Korean state newspaper Rodong Sinmun, ang high-level talks ay patunay na “walang problemang hindi kayang resolbahin” kung mag-pupursige ang dalawang bansa.
Naganap ang pag-uusap ng ilang North at South Korean officials sa border village ng Panmunjom sa demilitarized zone.
Magugunitang pumayag ang NoKor na magpadala ng delegasyon sa Winter Olympics sa South Korea, sa susunod na buwan at makipag-usap sa Seoul upang maibsan ang military tension.
Nagpahayag din ng kahandaan si South Korean president Moon Jae-In na makipag-usap ng personal kay North Korean supreme leader Kim Jong Un bilang bahagi ng kanilang paghahangad na magka-isa muli ang Korea.