Hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque ang dating consultant ng DOH na si Dr Francis Cruz na maglabas ng ebidensya tungkol sa akusasyon nitong may mafia sa loob ng kagawaran na kumita sa pagbili ng Dengvaxia.
Ayon kay Duque, mahirap paniwalaan ang akusasyong may mafia sa DOH kung wala namang patunay.
Gayunman, nilinaw ni Duque na hindi niya binabalewala ang nasabing bintang kayat paiimbestigahan niya ito.
Sisilipin anya nila ang mga kontrata na pinasok ng mga nagdaang administrasyon.
Kabilang sa isinangkot ni Cruz sa umanoy mafia sa DOH si dating Health Sec Janette Garin at iba pang kasalukuyan at dating opisyal ng kagawaran.
Kumikita anya ang mga ito sa tuwing may ilalabas na pondo ang DOH para sa mga proyekto.