Pinasaringan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga pulis at tiwaling opisyal sa pamahalaan na nakatakdang pangalanan sa susunod na linggo.
Ayon kay Roque dapat nang magkusa ang mga ito at iwanan na ang kanilang mga tanggapan bago pa tuluyang masibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ni Roque na sa mga pribadong kumpaniya na lamang dapat sila mag-trabaho kung saan may mataas na sahod kumpara sa gobyerno na pera ng taumbayan ang pinapa-sweldo.
Giit pa ng tagapagsalita, walang puwang sa pamahalaan ang mga opsiyal na nais lamang magpayaman at mamasyal kung saan-saan.
Samantala, ipinabatid ni Roque na may dahilang kung bakit hindi agarang pinangalanan ang mga nasabing tiwalang opisyal at mga pulis.