Siyam sa bawat sampung mga Pilipino ang naniniwalang “accurate” o tama ang pagbabalita sa Pilipinas .
Ito ang lumabas na resulta batay sa isinagawang pag aaral ng PEW Research Center na pinagamatang “publics globally want unbiased news coverage, but are divided on whether their news media deliver”.
Sa naturang datos, 78 percent ng mga pinoy ang tiwalang maayos ang mga balita mula sa mga media outlets sa bansa hinggil sa mga usaping pulitikal.
Samantala, 83 percent naman ang kuntento sa mga impormasyong ibinibibigay ng mga news agencies sa bansa tungkol sa mga balita sa mga opisyal o mga namumuno sa gobyerno.
Habang ang nagsasabi naman ng maayos ang pagbabalita ukol sa mga mahalagang kaganapan sa bansa ay umabot sa 87 percent.
Isinagawa ang pag aaral sa isang libong mga Pilipino na may edad disi otso pataas sa pamamagitan ng isang personal na panayam noong ikadalawamput anim ng Pebrero hanggang Mayo a-otso ng nakaraang taon.
Nabatid din sa naturang ulat na tanging Pilipinas at Brazil lamang ang mga bansa sa buong mundo na interesado ang mga kabataan sa mga lokal na balita.