Nanganganib umanong mawalan ng trabaho ang libu-libong nurse sa bansa na nasa ilalim ng deployment program ng Department of Health o DOH.
Ito ang ipinabatid ni NARS Party-list Representative Leah Paquis, kung saan aabot sa 12,000 contractual nurses ang posibleng hindi na ma-renew ang kontrata dahil umano sa kakulangan sa budget.
Bukod dito apektado rin aniya ang ilang doktor midwife at mga pharmacist.
Dahil dito kumilos na ang partido at nagpadala na ng sulat kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na magkaroon ng regular na trabaho ang mga nurse kasabay rin ng hirit na tuluyan ng tuldukan ang kontraktwalisasyon sa bansa.
—-