Stranded sa Saudi Arabia ang nasa limampung (50) Overseas Filipino Worker o OFW.
Ito’y dahil sa hindi pa nababayaran ng kumpaniyang pinagtrabahuhan ang kanilang residence permit.
Batay sa ulat, nalugi ang kumpaniyang Modern Arab Company dahilan upang mabigo itong bayaran ang iqama o residence permit ng mga OFW kaya’t hindi mabigyan ang mga ito ng exit visa.
Marami na umano sa mga OFW ang napaulat na nagkakasakit dahil sa siksikan sa kwartong kanilang tinutuluyan.
Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na nakikipag-ugnayan na sila sa nasabing kumpaniya upang maproseso na ang resident permit at exit visa ng mga apektadong manggagawa.
Ayon naman sa Deparment of Foreign Affairs o DFA nagbigay din 59 na ticket at tulong pampinansiyal ang recruitment agency na Deltavir.
—-