Nagpapasalamat ang pamilya Castillo sa pagbubukas muli ng preliminary investigation sa kaso nang pagpaslang kay hazing victim Horacio Atio Castillo III.
Ayon kay Ginang Carmina Castillo, ina ni Atio, napakahalaga ng testimonya ni Marc Ventura na isa sa mga nakasaksi sa pagsalang sa hazing sa batang Castillo at siyang pinagbasehan ng Department of Justice o DOJ para isalya muli ang preliminary investigation sa kaso.
Sinabi sa DWIZ ni Ginang Castillo na malinaw sa testimonya ni Ventura kung ano ang sinapit ng kaniyang anak at kung sinu-sino ang nasa initiation rites kay Atio na aniya’y hindi lumalaban habang binubugbog at sinasaktan ng mga miyembro ng Aegis Juris.
“Pinangalanan po niya ang mga taong andun at isinalaysay niya yung nangyari noong September 16 hanggang sa namatay yung anak ko, so importante yung lahat ng kinukuwento niya yung process at maliwanang na maliwanag na andun siya habang isinalaysay at sinasabi kung sino anong nangyari habang nangyayari yung initiation rites.” Pahayag ni Ginang Castillo
(Balitang Todong Lakas Interview)