Posibleng pansamantalang pamunuan ni Commissioner Prospero de Vera ang CHED o Commission on Higher Education.
Ito’y makaraang i-anunsyo ni dating CHED Chairperson Patricia Licuanan ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto kahapon.
Batay sa pananaliksik ng DWIZ, tumatayo bilang most Senior Commissioner si De Vera bilang siya ang kauna – unahang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na itinalagang Commissioner ng CHED nuong 2016.
Sinundan naman ito nila Commissioner ronald Adamat na itinalaga nuong 2016 habang nitong nakalipas na taon lamang itinalaga sina Commissioners Perfecto Alibin at Lilian Delas Llagas.
Kahapon, kinumpirma ng Malakaniyang na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang liham pagbibitiw ni Licuanan bilang chairman ng naturang komisyon.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi malinaw sa kaniya ang pahayag ni Licuanan na tinawagan umano siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea para pagbitiwin sa puwesto.
Subalit sa isinagawang turn over ceremony ng mga police mobile sa Davao City, nilinaw ng Pangulo na hindi nagresign kung hindi kaniyang sinibak si Licuanan.