Naghain na ng petisyon ang grupo ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS drivers laban sa kautusan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagbabawal sa paggamit ng mga hatchback o maliliit na sasakyan.
Hiniling ng grupo na mabigyan ng amnesty ang mga TNVS units at drivers na maaapektuhan ng nasabing kautusan.
Gayundin, ang pagpapalawig sa transition period nang lima hanggang pitong taon para mabigyan ng panahon na makapagpalit ng mga sasakyan.
Una nang siginiit ni LTFRB Board Member at Spokesperson atty. Aileen Lizada na ang pagbabawal sa mga hatchback na gamiting unit sa TNVS ay para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mananakay.
Nilinaw pa ni Lizada na kailangang pasok sa requirement na hindi bababa sa 1200 CC rated ang mga sasakyan na gagamitin ng mga TNVS na tulad rin ng ipinatutupad na standard sa mga taxi.