Gumulong na ang pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments para sa planong pag-amyenda sa konstitusyon.
Inisa-isa ni Cong. Roger Mercado, chairman ng komite ang mga mahahalagang probisyon ng konstitusyon na planong amyendahan base sa kinalabasan ng pagdinig ng ibat ibang subcommittees.
Unang inilatag ni Mercado ang magiging kapangyarihan at komposisyon ng lehislatura sa ilalim ng parliament system of government.
80 porsyento ng Federal Assembly ang bubuuin ng mga kinatawan na iboboto sa kada distrito samantalang ang 20 porsyento ay nakalaan para sa mga Partylist representatives.
Ang bawat bubuuing estado sa bansa ay magkakaruon ng tatlong kinatawan sa senado na magiging regional representatives.
Higit sa lahat, ang bawat distrito ay paglalanan rin ng sariling pondo gayundin ang mga senador na kakatawan sa rehiyon ng isang estado.
Kamara, bigong aprubahan ang resolusyon para sa pagsasanib ng dalawang kapulungan ng Kongreso bilang constituent assembly
Bigo ang House of Representatives na aprubahan ang resolusyon para sa pagsasanib ng dalawang kapulungan ng kongreso bilang constituent assembly upang amyendahan ang konstitusyon.
Nakasalang sanang aprubahan ang concurrent resolution no. 9 subalit kinuwestyon ni Caloocan City Cong. Edgar Erice ang quorum sa unang araw ng pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.
Batay sa record ng Kamara, umabot sa 230 mambabatas ang present.
Gayunman, matapos ang sponsorship speech sa resolusyon, halos 20 na lamang ang kongresista na naiwan sa plenaryo.
Ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)