Makakahinga na ng maluwag ang pamahalaan matapos mag-resign si chairperson Patricia Licuanan sa Commission on Higher Education.
Ayon kay PBA Partylist representative Jericho Nograles, magkakaroon ng panibagong simula ang CHED at maipatutupad na rin ng Duterte administration ang mga pagbabago na nais nito para sa komisyon.
Pwede nang ma-pursue ‘yung mga institutional reforms na gusto ng administrasyong Duterte. Matagal nang hindi pinapapasok ni Pangulong Duterte si Chairperson Licuanan sa mga cabinet meeting if I’m not mistaken since December 2016 pa, ever since then, hindi na maganda ‘yung communications ng Palasyo at ng CHED. Pahayag ni Nograles
Una rito, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang talumpati na hindi nagbitiw kundi sinibak niya si Licuanan.
Sinabi rin ni Nograles na hindi lamang naman ang mga biyahe sa abroad ang isyu laban kay Licuanan.
Mas malaking isyu anya ang natanggap nilang reklamo mula sa may 11,000 scholars na apektado sa hindi agad pagpapalabas ng CHED ng pondo para sa kanila.