Nasira ang halos tatlumpung ektaryang taniman ng cauliflower at repolyo sa Sta Catalina, Ilocos Sur dahil sa umanoy pagsalakay ng mga pesteng tinaguriang “Tarzan”.
Ayon kay Nerio Recaido, Municipal Agriculture Officer nalulungkot ang mga magsasaka na halos wala na silang aanihin dahil maraming butas ang dahon ng repolyo pati na rin ang mga cauliflower.
Dahil dito sinabi ni Mayor Edgar Rapanut na gumagawa na sila ng paraan para mapigilan ang pagsalakay ng mga peste at mapinsala ang iba pang pananim.
Isa aniya sa kinukunsider nilang hakbang para hindi na lumaki pa ang lugi ng mga magsasaka ay pagtatanim ng tabako.