Tiniyak ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council na nailikas na lahat ang mga sibilyan at residente sa loob ng 7- kilometre danger zone ng Bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan , umakyat na sa halos 22,000 indibidwal ang inilikas mula sa 25 barangay sa anim na mga sitio at syudad sa Albay.
Kasalukuyang nanunuluyan ang mga ito sa 18 evacuation centres na pawang mga eskwelahan.
Dagdag pa ni Marasigan, maaari pang tumaas ang bilang ng mga evacuees kung palalawakin pa ang sakop ng danger zone sa pananan ng bulkan.