Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga namatay dahil sa mga pag – ulan sa Visayas at Mindanao na dulot ng tail end of a cold front.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan , karamihan sa mga nasawi ay biktima ng landslide sa iba’t ibang lalawigan.
Batay sa tala ng NDRRMC , apat ang nasawi mula sa Tacloban City , apat din mula sa Compostella Valley , dalawa sa Pantar , Lanao del Norte ; tatlo sa Camarines Norte ; isa sa Silvino Lobos sa Northern Samar ; isa sa Catarman at isa rin sa Caramoan.
Sa ngayon ay nasa 80,000 katao ang naapektuhan ng tail end of a cold front kung saan 8,000 dito ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.