Pinawi ng PHIVOLCS ang pangambang magkaruon ng matinding pagsabog ang Bulkang Mayon sa kabila ng magmatic eruption nito.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, non explosive eruption na maituturing ang aktibidad ngayon ng Bulkang Mayon na nangangahulugang dahan dahang paglabas ng materials tulad ng magma subalit hindi naman mapanganib.
Gayunman, sinabi ni Solidum na kung ihahambing nuong 2014 na huling pagsabog ng Bulkang Mayon mas matindi ang nangyayari ngayon.
Mas malabnaw aniya ang lumalabas na lava sa bunganga ng bulkan, mas mabilis ang pag akyat sa crater at pagdaloy nito.
Nilinaw pa ni Solidum na hindi mangyayari sa Mayon ang nangyari nuong sumabog ang Mount Pinatubo dahil magkaiba ang komposisyon ng magma ng mga ito.
Ipinabatid ni Solidum na mas acidic ang bato sa Mount Pinatubo dahil mas marami ang naiipong gas dito kayat mapanganib ito kapag sumabog.