Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga residenteng apektado ng diarrhea, cholera at iba pang sakit sa balat sa Balabac, Palawan dahil umano sa kontaminadong tubig.
Nagsagawa na ng water testing ang Provincial Health Office katuwang ang Department of Health upang masuri ang kalinisan ng mga balon sa barangay Mangsee.
Lumalabas sa pagsusuri ng tubig na galing sa mga balon na katabi lamang ng barangay hall na positibo ito sa e-coli na isang uri ng bacteria na nagdudulot ng sakit sa mga residente.
May iba pang uri ng bacteria na nakita sa tubig sa batay sa mga naunang pagsusuri sa laboratoryo sa Maynila at bukod sa mga bacteria na galing sa dumi ng tao, mayroon ding mga galing sa katas ng tao.
Bagaman bahagi umano ng tradisyong Muslim ang paglilibing malapit lamang sa tinitirhan ng kaanak, malaki umano ang epekto nito sa kanilang pinagkukunan ng tubig.