Nagkasundo na ang Bangladesh at Myanmar na tapusin na ang repatriation o pagpapabalik sa mga lumikas na mga Rohingya refugees sa loob ng dalawang (2) taon.
Ayon sa pamahalaan ng Bangladesh, pumayag na ang Myanmar na tumanggap ng isang libo’t limang daang (1,500) mga magbabalik na Rohingya kada linggo.
Gayunman nagpahayag ng pangamba ang United Nations (UN) Refugee Agency sa planong ito ng Bangladesh na posibleng maiuwi sa puwersahang pagbabalik sa Myanmar ng mga Rohingya.
Iginiit pa ng UN Refugee Agency, dapat matiyak muna ang kaligtasan at sitwasyon ng mga Rohingya na ibabalik sa Myanmar.
Una nang pinababalik ng Bangladesh ang Muslim minority na Rohingya sa Myanmar.
Plano ng Bangladesh na ipadala ang may 100,000 Muslim refugees na ito para sa unang batch ng repatriation na target simula sa nagayong buwan.
Ito ay kasunod ng napagkasunduan ng mga gobyerno ng Bangladesh at Myanmar noong Nobyembre ng nakaraang taon na nagpapahintulot sa pagpapabalik sa Rohingya Muslims sa sarili nilang bansa.