Mas kumonti na ang mga Pilipinong nakikita ang kanilang sarili bilang mahirap.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS sa huling quarter ng 2017 kaugnay sa self-rate poverty.
Lumalabas sa SWS survey na 44 porsyento o 10 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap na 3 puntos na mas mababa sa naitala noong September 2017.
Naitala noong March 2017 ang 50% self-rated poor families mula sa 44% noong December 2016.
Bumaba ang rate sa 44% noong June 2017 at tumaas muli sa 47% noong September 2017.
Sa nasabiring survey, nananatili sa 32% o mahigit 7 milyong pamilya, ang December 2017 food poor rating o mga pamilyang kinukunsidera ang kanilang pagkain bilang mahirap.
Nasa P15,000 ang self-rated poverty threshold o buwanang budget ng isang mahirap na pamilya na kailangan para sa mga bayarin nito at hindi maikunsidera na mahirap sa pangkalahatan.
—-