Sinimulan na rin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang marathon hearing para sa pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapalabas na lamang siya ng executive order kung walang maipapasang BBL ang Kongreso.
Plano ng House Sub-Committee on BBL na pag-isahin na lamang ang apat na bersyon ng panukalang inihain sa kanila.
Aminado rin ang komite na gahol na sila sa oras kaya kanilang minabuti na hindi na muna talakayin ang ilang probisyon sa BBL tulad ng pagpapasailalim ng mga inland waters sa hurisdiksyon ng Bangsamoro government.
Napagkasunduan ding tawaging geographical areas sa halip na teritoryo ang mga nasasakupan ng Bangsamoro.
Hindi rin matiyak ng House Sub-Committee on BBL kung maaabot nila ang target na maipasa ang BBL sa Marso.
—-