Aabot sa mahigit tatlumpung (30) milyong manggagawa ang tatamaan ng pagtataas ng presyo ng ilang bilihin at serbisyo bunsod ng tax reform program ng gobyerno.
Batay ito sa tantya ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines o ALU – TUCP kung saan karamihan dito ay mga minimum wage earner na hindi hindi makikinabang sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Dagdag pa ng grupo, mas lalo lang mababaon sa kahirapan ang dati nang mahihirap dahil sa ipapataw na dagdag na tax sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Magkakaroon lang anila ito ng domino effect sa pagtaas ng mga presyo ng ilang bilihin at pamasahe.
Kasabay nito, umaasa ang mga grupo ng mga manggagawa na malaki ang umento na ibibigay ng wage board sa mga minimum wage earners para makasabay ang mga ito sa ipinatutupad na TRAIN Law.
—-