Hindi umano hahantong sa Constitutional Crisis ang pasya ng mga Senador na huwag dumalo sa isasagawang sesyon ng Kamara para sa Charter Change kahit inaprubanan nila ang resolusyon na nagsusulong ng joint session.
Ayon kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon, proseso lang naman ito ng pag-amyenda sa saligang batas kaya’t hindi maaaring paki-alaman ng Korte Suprema dahil isang political decision ng Senado ang hindi pagdalo sa sesyon ng Kamara.
Samantala, inihayag ni Senate President Koko Pimentel na malinaw ang Concensus o paninindigan ng mga Senador na dapat ay “voting separately” at “separate session” pagdating sa Chacha.
Ito, anya, ay dahil sa sandaling pumayag ang mga Senador na mag-joint session ang otomatikong iniisip ay joint voting na ang mangyayari.